Relasyon ng 2 silahis sa isang gov’t. agency, pinagpipiyestahan ng mga Marites at Marisol
- BULGAR

- May 13, 2024
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 13, 2024

NAGMA-MARITES na rin pala ang China.
Meaning, may giyera ng propaganda sa West Philippine Sea.
Gusto ni Sec. Gibo na i-deport ang mga tsismoso’t tsimosa sa Chinese embassy. He-he-he!
----$$$--
SA ibang ahensya, pinagpipiyestahan ng mga marites at marisol sa isang departamento ng pamahalaan ang relasyon ng dalawang silahis o bakla.
Kasi naman ay high ranking ang isa at ang karelasyon ay rank and file. He-he-he!
----$$$--
KUMBAGA, parehong bading ang bida.
Ang ‘wento, nagkakilala ang dalawang bida sa isang dating app at sa mga unang swipe pa lang ay nag-match na agad sila.
Alam daw ng naturang bossing ang eksena pero hindi batid ng opisyal na nagtatrabaho din doon ang kawani.
----$$$--
NAG-“GO” ang mga loko sa face-to-face date na humantong kuno sa isang hotel.
Ang tsismis, si bossing sa ibabaw at si kawani sa ilalim.
Ha-ha-ha!
----$$$--
PUTOK-NA-PUTOK sa buong kagawaran ang sex escapades ng dalawang hitad.
Clue?
Ang bossing ay mahilig mamigay ng GC.
-----$$$--
HINDI natin alam kung paano nakalabas ang wento-wento.
Posibleng may naiinggit o maaaring may nakadiskubre lang.
Kung imbento o totoo ito, bahala na ang mga tunay na nakakakilala sa kanilang dalawa.
----$$$--
PAANO kaya makakapagtrabaho nang maayos si bossing at si kawani gayung alam na nila na bistado na ang kanilang “buhay-buhay”.
Sa bagay, hindi isolated ang naturang isyu.
----$$$--
PINASOK na ng Israel ang Rafah sa Gaza Strip.
Hindi ito suportado ng U.S., kuno.
Inilalarawan ito ng isang “genocide”.
----$$$--
TORETE si U.S. President Joe Biden.
Wala siyang magiging tamang desisyon.
Kumbaga, sala-sa-lamig, sala-sa-init.
----$$$--
BUWENAS si ex-President Donald Trump.
Hindi sinasadya, matutulungan siya ng “giyera sa paligid”.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments