Rekomendasyon ng IATF… Pagsusuot ng face mask outdoor, optional – Malacañang
ni Lolet Abania | September 7, 2022

Inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa mga open spaces sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.
Sa isang press briefing, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang rekomendasyon ng IATF ay gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces o non-crowded outdoor areas na may maayos na ventilation.
“Doon sa IATF, ang kanilang rekomendasyon ay pag-liberalize ng ating mask wearing mandate and make mask wearing outdoors voluntary across the country,” ani Cruz-Angeles.
Nitong Lunes, muling nagtipon ang IATF upang talakayin ang dapat na rekomendasyon kaugnay sa face mask policy na kailangang iprisinta sa Office of the President.
Ginawa rin ito matapos na ang Cebu City government ay mag-isyu ng isang executive order na gawing opsyonal ang paggamit ng face mask sa mga open spaces sa siyudad.





Comments