Rekisitos, inaayos para mas ligtas ang mga laro ng PBA
ni Gerard Arce - @Sports | August 18, 2021

Isinasapinalisa na lang umano ang mga kinakailangang hakbang ng bawat koponan upang tuluyan ng makabalik ang pagpapatuloy ng mga laro ng 2021 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa pagbabalik nito sa Pampanga.
Ayon sa mga reports ay isinasagawa na ang mga kinakailangang isumite ng bawat koponan sa mga napiling hotels, lodging facilities at mga tutuluyan ng mga mga manlalaro, coaches, team officialsm staff, crew, at media personnels sa pinaplano umanong semi-bubble set-up sa hindi pa matukoy na paglalaruan sa naturang lugar kung saan nakalagay ito sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Noong nakaraang taon ay isinagawa ang isang “PBA Bubble” sa Clark, Pampanga, kung saan ginawa ang mga laro sa Angeles University Foundation Gymnasium at nanunluyan ang lahat sa Quest Hotel sa Mabalacat, Pampanga.
Inihayag ni PBA deputy commissioner Eric Castro na patuloy na silang nakikipag-usap at nakikipag-koordinasyon sa local government unit ng Pampanga, higit na sa opisina ni Pampanga Governor Dennis Pineda para sa tutuluyan ng lahat ng partisipante. Magdedepende pa umano sa desisyon ng Central Luzon province kung magtutuloy na ang naudlot na elimination round ng Philippine Cup.
Patuloy pa ring nasa ilalim ng mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20, na inaasahang palalawigin pa ng mga Mayors ng National Capital Regions (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at Delta variant.





Comments