Search
  • BULGAR

Registration schedule para sa mga overseas voter, inilabas ng Comelec

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 13, 2021





Naglabas ng bagong voter registration schedule ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Sabado para sa mga overseas voters na nais magparehistro para sa darating na national at local elections sa 2022.


Ayon kay Comelec-Office for Overseas Voting (OFOV) Director Sonia Bea Wee-Lozada, maaaring magsumite ng application simula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM-5 PM sa mga sumusunod na field registration centers sa Metro Manila:

  • COMELEC-OFOV, Ground Floor, Palacio del Gobernador Building, General Luna St., Intramuros, Manila

  • Department of Foreign Affairs (DFA) - Aseana, Bradco Avenue cor. Macapagal Boulevard, Aseana Business Park, Parañaque

  • Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Blas F. Ople Building, Ortigas Avenue cor. EDSA, Mandaluyong

  • Maritime Industry Authority (MARINA), SM Manila Satellite Office, Almeda-Lopez cor. A. Villegas and 1000 San Marcelino St., Ermita, Manila.

  • Samantala, kailangan munang mag-set ng appointment ang mga nais magparehistro sa COMELEC-OFOV sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Pag-email sa overseasvoting@comelec.gov.ph

  • Pagpapadala ng direct message sa Facebook Messenger sa link ng Office for Overseas Voting PH Facebook page (fb.com/overseasvotingph)

  • Maaari ring tumawag sa telephone numbers na (02) 8522-2251 o (02) 8521-2952

  • Puwede ring mag-send ng SMS sa mobile numbers +63 951 875 9882 (TNT/Smart/Sun) o +63 905 034 5158 (TM/Globe).


Ang mga Pilipino na inaasahang umalis ng bansa simula sa April 10 hanggang May 9, 2022 ay maaaring magparehistro bilang overseas voters.


Saad pa ng Comelec, ang huling araw para makapag-file ng application sa pagpaparehistro bilang overseas voters ay hanggang sa September 30, 2021.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.