top of page
Search
  • BULGAR

Registration sa online seller kontra scammer

@Editorial | April 18, 2024



Inaabangan kung paano maipatutupad nang maayos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang registration sa online businesses. 


Bagama’t matagal na itong inaasahan, marami pa rin ang naguguluhan kung paano kaya magagawa ng ahensya na maparehistro ang mga ito. 


Matitiyak kaya ng BIR na walang makakalusot? Ito ay matapos magbabala ng ahensya na ipasasara ang lahat ng hindi rehistradong negosyo online. 


Sa gitna ito ng nagpapatuloy na information campaign ng ahensya para sa lahat ng online merchants na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa BIR. 


Ayon sa BIR, bahagi ito ng soft approach hinggil sa nasabing usapin, ngunit pagkatapos nito ay magiging istrikto na ang kanilang kawanihan sa pagpapatupad ng polisiya. 


Kaugnay nito, sinabi rin na bukod sa ‘Plan Kandado’ na ipinatupad sa mga traditional brick and mortar ay magkakaroon din sila ng ‘Online Kandado’ kung saan ipasasara ang mga online selling platforms na hindi talaga magpaparehistro. Layunin ng inisyatibang ito na tiyakin ang magiging accountability ng mga online seller sa kanilang mga negosyo na hindi rehistrado. 


Una nang pinalawig ng ahensya ang ipinatutupad nitong regulasyon sa implementing period ng hanggang 90 araw o hanggang Hulyo 14 upang magbigay-daan naman para sa mga online merchant na hindi pa nakakapagsumite ng kanilang sworn declaration ng gross remittance.


Umaasa tayo na magiging responsable ang mga online seller sa sinasabing registration. Matuto sana tayong sumunod sa batas at huwag nang magmatigas. 


Kung hindi manloloko o scammer, walang dahilan para hindi magparehistro. Gawin natin ito bilang obligasyon at katapatan sa ating mga kliyente o customer.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page