top of page

Regine at nanay ng komedyante, idinamay na rin... DDS GALIT NA GALIT KAY VICE SA JOKES LABAN KAY DU30

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 minutes ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 12, 2025



Image: VIce Ganda sa Jetski Holiday joke - Circulated / YT



Hindi maiwasang madamay o idamay ng mga Duterte supporters si Regine Velasquez sa galit nila kay Vice Ganda dahil sa Duterte jokes ni Vice sa Super Divas (SD) concert nila. 


Ang katwiran ng mga supporters ng former president, magkasama sila sa concert at sabay nag-rehearsal. Sigurado raw na narinig ni Songbird ang spiel ni Vice at sana raw ay sinaway.


Sagot ng mga fans ni Regine, inirespeto nito si Vice at hindi pinakialaman ang script nito. Saka, nang i-deliver ni Vice ang spiel tungkol sa former president, siya lang ang nasa stage, wala si Regine. 


Kaya lang, ayaw pa ring magpapigil ng mga Duterte supporters sa pagdawit kay Regine. Sa Instagram (IG) ni Regine, may nag-comment kung bakit niya hinayaan si Vice sa joke nito. Ipinaalala kay Regine na marami ang nagmamahal kay Duterte. 


So far, wala namang violent reaction ang mga fans kay Regine, walang nanawagang i-boycott ang ine-endorse niyang product at walang nag-comment na hindi na siya welcome sa Davao City.


Saka, ang husay pa ring mag-perform ni Regine, ito ang pinag-usapan during and after the concert. Marami rin kaming nakitang nag-inquire sa mWell kiosk sa loob ng Smart Araneta Coliseum kung saan naka-display ang self-care exclusives with Regine Velasquez.


Nakipag-partner ang mWell sa kanya in creating the Gift of Wellness Exclusives, kabilang ang special edition Regine watches which help track blood pressure and physical activity. Kasama rin ang mWell ring which monitors sleep quality.


Sabi ni Regine, “Taking care of yourself both in mind and body is the first step to caring for everything else. Let your gift to self be one that fills you up because you cannot pour from an empty cup.”


Nag-agree kay Regine si Chaye Cabal-Revilla, ang CEO ng mWell at Chief Finance, Risk, and Sustainability Officer of MPIC. May photo ni Regine Velasquez ang Prestige Watch, visit her IG for the prices at may discount pa.



MAY update si Kris Aquino sa kanyang medical condition at makikita sa photos na ipinost niya sa Instagram (IG) na very much involved si Bimb. Mula sa pag-aalalay sa pag-upo niya sa wheelchair, sa paglipat sa kanya sa hospital bed at pati sa parte na kinakausap si Kris ng doctor, nasa tabi niya ang kanyang bunso.


Nag-wave pa si Bimb sa mga netizens na makakapanood sa reels video ni Kris. 


May pakiusap si Kris na, “PLEASE CONTINUE PRAYING,” at ‘yun ang ginagawa ng mga nagmamahal sa kanya. Araw-araw siyang ipinagdarasal at pati nga mga taga-showbiz, nagkakaisa na ipagdasal ang paggaling ni Kris.


Nabasa namin ang mga pangalan nina Aga Muhlach, Arnold Clavio, Angeline Quinto, Candy Pangilinan, Melai Cantiveros, Pokwang, Anne Curtis, Bela Padilla, Cherry Pie Picache, Christine Babao at marami pang iba na nagdarasal sa paggaling niya.



NAG-REACT ang pro at anti-Duterte sa panawagan ni Pokwang na huwag isali sa galit ng mga na-offend sa joke ni Vice Ganda tungkol kay former President Rodrigo Duterte ang nanay ni Vice. Hindi nagustuhan ng pro-Duterte ang Jet Ski at The Hague joke ni Vice sa Super Divas (SD) concert nila ni Regine, pati nanay ni Vice, idinamay nila sa galit.


Kaya pakiusap ni Pokwang, “‘Wag naman po tayong ganyan! Kung may na-offend man sa joke ni Vice, eh, ‘wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or pulitiko ang kanyang ina. Kaming mga artista at pulitiko ay tanggap naman na naba-bash kami kahit minsan masakit, ‘wag naman si Nanay Rosario, please.”


May supporter ng former president ang nagsabing maganda ang pakikitungo ni Duterte kay Vice at binati pa ito sa isa niyang birthday. 


Sagot ni Pokwang, “I’m sure, ‘di naman n’ya nalilimutan ‘yan, pero ‘yung idamay natin ang nanay na hindi naman artista or pulitiko, eh maling-mali po, hindi naman si Nanay Rosario ang nagsulat ng script ni Meme or nag-utos sa kanya na ganu’n ang i-joke n’ya!”


Hindi pa tapos ang isyung ito sa X (dating Twitter) ni Pokwang, nag-aaway-away pa rin ang pro at anti-Duterte dahil sa joke ni Vice Ganda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page