Refugee camp, nasunog

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 7, 2023

BANGLADESH — Libong residente ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang malaking sunog sa Rohingya refugee camp sa Dhaka, Bangladesh.
Ayon sa awtoridad, nagsimula ang sunog noong Linggo alas-8:45 ng gabi sa Camp 11, kung saan milyong Rohingya refugee ang naninirahan.
Sa salaysay ni Mijanur Rahman, Bangladesh's refugee commissioner, “Nasa higit 2,000 tirahan ang natupok at 12,000 residente ang nawalan ng tirahan”.
Naapula ang apoy matapos ang 3 oras at tinatayang may 35 mosque at 21 na learning centers ang napinsala.
Matatandaan na ang lumikas na mga residente ay mula sa military crackdown ng bansang Myanmar noong 2017.
Samantala, wala pa namang naiulat na nasawi at patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.





Comments