Red Tide Alert
- BULGAR
- Aug 6, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 6, 2022

Nagpositibo sa test ang tatlong coastal areas sa Visayas at Mindanao para sa toxic red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng BFAR na ang mga shellfish na nakolekta mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur ay nakitaan ng paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” saad ng BFAR sa kanilang bulletin.
Gayunman, ayon sa bureau ang mga isda, pusit, hipon, at crabs ay ligtas na kainin hangga’t ang mga ito ay sariwa, hinugasang mabuti habang ang mga bituka, laman-loob at iba pa ay tinanggal bago pa lutuin.





Comments