Red tide alert
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 1, 2026

Photo: File
Nananatiling positibo sa red tide toxin o paralytic shellfish poison ang karagatan sa bayan ng Anda at isa pang bayan sa Pangasinan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 9, mahigpit na pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at “alamang” mula sa mga apektadong lugar dahil hindi ito ligtas kainin.
Inatasan din ng ahensya ang mga mangingisda, negosyante, at iba pang stakeholders na itigil muna ang pangongolekta, pag-aani, pagbibiyahe, at pagbebenta ng mga nasabing produkto hangga’t hindi pa inaalis ang umiiral na babala.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, alimango, at hipon mula sa mga nasabing karagatan kung ang mga ito ay sariwa, maayos na natanggalan ng lamang-loob, at nahugasan nang mabuti bago lutuin.




Comments