top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Jeff Tumbado @News | May 24, 2026



Oil price hike

Photo: File



Ibinabala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga pangongolekta, pagbebenta at pagkain ng shellfish at alamang mula sa mga baybaying-dagat sa malaking bahagi ng Visayas region gaya ng Biliran Island matapos magpositibo sa red tide toxin o saxitoxin ang mga nakuhang shellfish meat samples sa lugar.


Inilabas ang abiso nitong Biyernes, Mayo 22, matapos kumpirmahin ng BFAR-National Fisheries Laboratory Division ang presensya ng saxitoxin sa mga shellfish samples na kinuha mula sa katubigan ng Biliran.


Hindi umano ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes species o mas kilala bilang alamang na nakuha mula sa mga apektadong baybaying lugar.

 
 

ni Jeff Tumbado @News | May 1, 2026



Red Tide

Photo: File



Nananatiling positibo sa red tide toxin o paralytic shellfish poison ang karagatan sa bayan ng Anda at isa pang bayan sa Pangasinan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 9, mahigpit na pinayuhan ang publiko na iwasan ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at “alamang” mula sa mga apektadong lugar dahil hindi ito ligtas kainin.


Inatasan din ng ahensya ang mga mangingisda, negosyante, at iba pang stakeholders na itigil muna ang pangongolekta, pag-aani, pagbibiyahe, at pagbebenta ng mga nasabing produkto hangga’t hindi pa inaalis ang umiiral na babala.


Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, alimango, at hipon mula sa mga nasabing karagatan kung ang mga ito ay sariwa, maayos na natanggalan ng lamang-loob, at nahugasan nang mabuti bago lutuin.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 3, 2021



Nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang ilang lugar sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Biyernes.


Base sa inilabas na shellfish bulletin nu'ng July 1, ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa Sorsogon Bay sa Sorsogon, Irong-Irong Bay sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur, Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielgaos Bay sa Zamboanga del Norte, Murcielagos Bay sa Misamis Occidental, Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Coastal waters ng Milagros sa Masbate.


Paglilinaw naman ng BFAR, “Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page