Red Tide Alert
ni Lolet Abania | January 11, 2023

Nagpositibo sa test ang 10 coastal areas sa bansa para sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa isang shellfish bulletin na may petsang Enero 10, sinabi ng BFAR na ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes, o kilala sa tawag na alamang na makukuha sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas na kainin:
• coastal waters ng Milagros, Masbate
• coastal waters ng Panay, Capiz
• coastal waters ng President Roxas, Capiz
• coastal waters ng Pilar, Capiz
• coastal waters ng Dauis, Bohol
• coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol
• Irong-Irong Bay sa Samar
• San Pedro Bay sa Samar
• Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur
• Lianga Bay sa Surigao del Sur
Gayunman, ayon sa ahensiya, ang ibang pagkaing-dagat bukod sa shellfish na makokolekta mula sa mga nasabing lugar ay ligtas naman na kainin.
“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly; and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.





Comments