top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Red-tagging sa mga organizers ng community pantry, stop!

  • BULGAR
  • Apr 25, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 25, 2021


Isa sa mga mainit na naging usapin nitong nakaraang linggo ay ang red-tagging sa mga nag-organisa ng mga community pantry na nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Nakalulungkot na ang mismong tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. pa ang tila nangunguna sa pagbatikos sa napakagandang inisyatibong ito ng ating mga kababayan.


Sa halip na makatulong pagpapabango sa NTF-ELCAC, mismong ang spokesperson pa nito ang sumisira sa imahe ng ahensiya.


◘◘◘


Naglabas na ng pahayag ang Malacañang, AFP, PNP, at maging si DILG Sec. Año at sinabi nila na sinusuportahan nila ang mga community pantry.


Ang hindi natin maintindihan ay bakit tila may sariling galaw si Gen. Parlade dahil ang mga statement niya ay taliwas sa mga statement ng mga nabanggit.


◘◘◘


Matagal na nating kinuwestiyon sa Senado ang pagkakatalaga kay Gen. Parlade bilang spokesperson ng NTF ELCAC.


Naniniwala tayong labag sa ating Konstitusyon ang kanyang pagkakatalaga dahil nakasaad dito na hindi maaaring bigyan ng puwesto ang mga aktibong miyembro ng armed forces sa civilian agency.


Kaya ang suhestiyon natin, gamitin na lang niya ang kanyang ipinamalas na galing sa profiling para makatulong sa contact tracing sa ating bansa na kulang na kulang pa rin hanggang ngayon.


◘◘◘


Bukod dito, makakaasa kayong susuyurin namin sa senado ang budget ng NTF-ELCAC para makita kung talaga nga bang nagagamit ang pondo nito para sa mga programang kanilang ipinangako.


Napapanahon nang tignan at pag-aralang maigi kung karapat-dapat nga ba ang kanilang ahensiya sa pondong kanilang natanggap.

◘◘◘


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page