top of page
Search
  • BULGAR

Red Queen, bumida sa Klub Don Juan Race

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 3, 2022


Nakitaan ng husay si Red Queen matapos nitong manalo sa Klub Don Juan De Manila Juvenile Stakes race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, kahapon.


Humarurot sa largahan si Red Queen na sinakyan ni jockey Pabs Cabalejo pero kinapitan agad siya ng liyamadong si Lake Balinsasayao.


Nagtagisan ng bilis sina Red Queen at Lake Balinsasayao hanggang sa rektahan, naging mainit ang kanilang labanan papuntang meta.


Halos kalahating kabayo lang ang lamang ni Red Queen kay Lake Balinsasayao pagtawid nila sa meta. Inirehistro ni Red Queen ang tiyempong 1:25.6 sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P300,000 na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasilo ni Lake Balinsasayao ang P112,500 habang tig-P62,000 at P25,000 ang third at fourth placers na sina Player Andri at Love Radio ayon sa pagkakasunod.


Tumanggap din ng P25,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P15,000 at P10,000 ang second at third.


Samantala, nagwagi si Mark Of Excellence sa Mercury Freight Trophy Race na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ginabayan ni Conrad Henson, inilista ni Mark Of Excellence ang 1:24.8 minuto sa 1,400 meter race, nasikwat nito ang added prize na P20,000.


Dumating na segundo si Namayan tersero si Spandau Ballet habang pumang-apat si Silab.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page