top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Red Lions, naka-2nd win Stags, hindi pinaporma

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 22, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 22, 2022



Nagawang maisalba ng San Beda University Red Lions ang kanilang ikalawang panalo matapos mabura ang kanilang 23-puntos na kalamangan upang matakasan ang San Sebastian College-Recoletos Stags sa iskor na 78-71 sa unang laro kahapon sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Isinalba ni Filipino-Canadian James Kwekuteye ang laro ng kumana ito ng game-high 20 puntos, 3 rebounds, 3 steals at tig-isang assist at block upang makabawi sa masaklap na pagkatalo sa nagdaang laro kontra Lyceum Pirates na hindi nagawang mapanatili ang kalamangan para yumuko sa 81-89 nitong nagdaang Sabado.


Inilista ng Mendiola-based ballers ang pinakamalaking kalamangan sa first period sa

23-puntos sa 25-2 patungo sa 30-11 sa pagtatapos ng naturang quarter. Unti-unting tyinaga ng San Sebastian na matapyas ang malaking hinahabol matapos kumana ng 25 puntos sa second period upang maibaba sa 10 puntos sa pagpasok ng halftime sa 36-46.


Ang inaasahang tambakang laro ay nagresulta sa dikitang laban ng magpatuloy sa pagkana ng puntos at magandang depensa ang Recto-based squads upang mas matapyas sa pinakamaliit na kalamangan sa dalawa sa 57-59 sa pagtatapos ng third period kasunod ng 21 puntos ng San Sebastian.


Sa kalagitnaan ng 4th period ay naisalpak ni JB Bahio ang isang basket para sa 67-61, subalit bumitaw sina Romel Calahat ng tres at isang free throw ni Kenneth Villapando upang lumapit sa 65-67 sa nalalabing 4:29 ng final canto.

Mga laro bukas (Biyernes) (FilOil EcoOil Centre) 12:00 n.t. – CSB Blazers vs Letran Knights; 3:00 n.h. – UPHSD Altas vs Mapua Cardinals


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page