top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Reclamation projects sa Manila Bay, talupang maigi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 10, 2023


Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pansamantalang itigil ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay.


Kasunod ito ng pakikipagpulong ng Punong Ehekutibo sa mga lokal na opisyal ng Bulacan.


Aniya, kailangang bigyan ng sapat na engineering intervention ang ginagawang reclamation projects.


Sa ngayon, sinabi pa ng Pangulo na under review ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isa na itinutuloy ngayon dahil tapos na aniya itong i-review.


Bagama’t hindi naman binanggit ng Pangulo kung alin sa limang reclamation projects na ito ang nakasuspinde at alin ang nagtutuloy.


Ayon kay P-BBM, marami silang nakitang problema sa mga proyekto, kabilang ang hindi masyadong magandang patakbo nito.


Aminado ang Pangulo na isa ito sa malaking problema na kailangang ayusin dahil kung matutuloy aniya ang lahat ng reclamation projects na ito maraming ilog ang mababarahan dahil wala na talagang pupuntahan ang tubig.


Sa katunayan aniya, maging sa Roxas Boulevard sa Maynila Bay wala na ang dagat o mawawala ang dagat kapag nagkataon.


Tama lang na ipa-stop muna ang mga proyekto para mabusisi bago pa lumala ang sitwasyon. Batid naman natin na may mga pumapalag talaga sa ginagawang reclamation at baka kung hindi nangyari ang malalang pagbaha ay hindi pa ito matututukan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page