Re-hiring sa mga retired scientists
- BULGAR

- Aug 24, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | August 24, 2020
Dear Chief Acosta,
Ano ba ang mga kuwalipikasyon sa re-hiring ng isang scientist ng Department of Science and Technology (DOST) na nagretiro na? – Antonette
Dear Antonette,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 1, Rule V ng Implementing Rules and Regulations, as amended ng Republic Act No. 8439 o mas kilala bilang “Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S & T Personnel in the Government,” kung saan nakasaad;
“SEC 1. HIRING OF RETIRED S & T PERSONNEL:
S & T personnel retired under any existing law, who, in the judgment of the governing board or head of research agency; possess technical qualifications and the capability to undertake specific scientific research activities, may be rehired on contractual basis without refunding the unexpired portion of the gratuity and accumulated leave benefits received by them from the government; provided that no qualified science and technology expert currently employed in the agency is available to undertake said scientific activities.
2. The retired S & T personnel to be rehired must be mentally, emotionally and physically fit as supported by a medical certificate. (Binigyang-diin)Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, upang muling i-hire ang scientist ng DOST na nagretiro na, kinakailangang siya ay nagtataglay ng teknikal na kuwalipikasyon at kakayanan upang maisagawa ang mga kinakailangan na scientific research activity. Bukod pa rito, kinakailangang walang ibang scientist, na kasalukuyang empleyado ng DOST, ang may kakayahan na gawin ang nasabing research activity. Dagdag pa rito, ang retiradong scientist na mare-re-hire ay dapat na may maayos na pag-iisip, emosyon at pangangatawan, na suportado ng medical certificate.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments