top of page

Miss Universe 2022, tamang ganda lang… R’ BONNEY, DISPLEY LANG SA EAT BULAGA!, ‘DI MAKASABAY SA DABARKADS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 14, 2025



Photo: R’ Bonney sa Eat Bulaga - YT


“Hindi pa lang gaanong nakakaalagwa,” sey ng kausap namin from Eat… Bulaga! (EB!) sa tanong namin kung bakit hirap na hirap pa ring maging Dabarkads si 2022 Miss Universe R’ Bonney Gabriel. 


Nakakaawa kasing mapanood ang napakaganda at seksing Miss Universe (MU) winner kapag halos wala itong sinasabi o nasasabi sa naturang show.


“Para lang s’yang isang magandang dekorasyon,” hirit pa ng mga fans ng beauty pageants na sumubaybay sa karir ni R’ Bonney.


“Pagbigyan na natin. We are doing everything para mas ma-feel n’ya ang vibe at kalokohan ng Dabarkads. She is very compliant naman and she says na willing siyang matuto in the process,” dagdag pa ng EB! executive na nakausap namin.


Sa balikan ng anak kay Daniel, todo-sigaw na fake news… MOMMY MIN, TIKOM ANG BIBIG NA MAGDYOWA NA SINA KATHRYN AT MAYOR MARK NG LUCENA



NAGTATANONG ang ilang netizens kung bakit daw mukhang dedma si Mommy Min, ang nanay ni Kathryn Bernardo, sa naglabasang item tungkol sa anak at kay Lucena Mayor Mark Alcala?


May mga nagsasabing nu’ng may lumabas na balita tungkol sa umano'y “balikan” ng anak kay Daniel Padilla, mabilis pa raw sa alas-kuwatro na nagpahayag si Mommy Min at sinabi pang “fake news” ito.


Kung wala raw bahid ng katotohanan ang balita, bakit daw hindi nito ulit sabihing ‘fake news’ ‘yun? 


Sa panig naman ng pulitikong nababalitaan lang natin ang gawain dahil sa mga pagkakasangkot nito sa mga celebrities, bakit nga hindi rin ito magsalita kung totoo raw ang layunin nitong maging ‘honest at accountable?’


Napakadali nga namang magsabi ng “walang katotohanan o hindi totoo,” pero mukhang ine-enjoy nga nito ang mga gayang publicity.

Kung ayaw niyang matawag na “trapo”, eh, ano siya?



EXCITED na ang mga vloggers na sina Agassi Ching, Jai Asuncion, Sachzna Laparan at Albert Nicolas sa nalalapit na showing ng kanilang Postmortem movie.


Ito nga ‘yung first directorial job ni Direk Tom Nava na nang mapanood namin ang trailer ay kinilabutan kami at napasigaw.


Very relatable ang kuwento ng Postmortem, lalo’t naging bahagi na ng ating kultura ang katatakutan at mga istoryang may kinalaman sa taong nakikita natin ang anino na pugot o walang ulo.


“Marami na tayong naririnig na kuwento tungkol sa mga ganyan. ‘Yung naging challenge lang sa amin ay kung paano ito ilalahad na ‘yung suspense, thrill at horror ay kusang lalabas sa mga eksena,” sey ni Direk Tom na dating magaling na cameraman at editor sa ABS-CBN.


Kasama ng mga kilalang vloggers ang magagaling na sina Alex Medina at Jennica Garcia, with Mike Lloren at Francis Mata.

Abangan nating lahat ‘yan, mga Ka-BULGAR, ngayong March 19 sa mga sinehan.


Makapagyabang lang daw…

PIA, GINAGAWA NANG DIARY ANG SOCMED, TODO-POST PARA MAPANSIN



NAGTATAKA naman kami kung bakit tila dumadami ang naiinis ngayon kay dating Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Hindi natapos ang panlalait kay Pia sa naging interview nito after ng isang international fashion event kung saan nga tinawag na ‘ngarag o walang saysay” ang mga naging sagot nito.


This time naman, pinuna ng netizen ang tila pagyayabang daw nito sa pagsasabing ‘when to peak’.


Sey pa ng netizen, “Kung anu-ano na lang ang paandar n’ya sa socmed (social media) as if diary na niya ang social media. Keber ba namin kung palipat-lipat ka ng eroplano at bansa?


“May peak-peak pa s’ya at pullback na pauso. 2025 na, nagamit na n’ya ‘yan noong time n’ya, hindi na effective ‘yan,” hirit pa ng ilan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page