RAYVER, SURE NA SURE NANG PAKAKASALAN SI JULIE ANNE
- BULGAR
- Jan 13, 2024
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | January 12, 2024

Photo : Rayver Cruz
Ang saya-saya ng facial reaction ni Rayver Cruz sa mediacon ng GMA-7 newest TV series titled Asawa Ng Asawa Ko airing this coming January 15 at 9:35 PM sa Kapuso Network.
He is very vocal and very proud sa pagsasabing si Julie Anne San Jose na talaga ang kanyang magiging asawa sooner than soon.
Si Julie na po talaga. Wala naman na 'kong hinahangad pang iba. Napakasuwerte ko po na nandiyan si Julie sa buhay ko. In God's time, in God's perfect time, pagtatapat niya with matching sweet smile all over his face.
Hindi lang kay Julie Anne San Jose all-praises si Rayver kundi sa lahat ng mga co-stars niya sa Asawa Ng Asawa Ko tulad nina Gina Alajar, Martin del Rosario, Liezel Lopez, Joem Bascon, Luis Hontiveros and of course, si Jasmine Curtis-Smith among others.
Ang gagaling lahat. Sobrang nakakadala yung scenes lalo na 'pag kaeksena silang lahat. And yung rapport namin ng buong cast, ang ganda ng chemistry ng lahat, Rayver even added.
Asawa Ng Asawa Ko is directed by award-winning Director Laurice Guillen.
Hindi lang magaling na director si Laurice kundi magaling ding artista in pernes, 'noh!
In Lhar Santiagos report on 24-Oras last Thursday, Rayver expressed that he feels the pressure but is also excited about his upcoming series with Jasmine Curtis-Smith sa Asawa Ng Asawa Ko.
Mao-overcome ng happiness and talagang excitement kasi panibagong blessing agad itong 2024 and napakaganda po kasi ng proyekto and sigurado po ako na matutuwa 'yung mga tao sa show na ginawa namin, he shared.
O, siya, dapat lang itong panoorin lalo na ng mga may asawa na, tapos may mga kabit pa.
In real life, mahirap din ang ganitong sitwasyon na siyempre, hindi maiaalis sa tunay na mag-asawa ang awayan with matching pisikalan pa.
Naku, ewan ba naman kung bakit 'yung iba d'yan, may asawa nang tunay, kasal at may mga dyunakis na, tapos natutukso at pumapatol pa sa iba.
Dapat, para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon ay sing na lang ng kantang pinasikat noon ni Eva Eugenio titled... "OH TUKSO, LAYUAN MO AKO!"
Boom, ganern!
Pero kasi naman, mahirap ding labanan 'yang TUKSO. Yo, talking from experience ni yours truly.
Experience raw, oh! Hahahaha!
'Yun lang and I thank you.
Comentarios