top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

RATINGS NG EB!, LALONG BABAGSAK DAHIL KINA ISKO AT HIPON GIRL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 11, 2023




As expected, inuulan ng kontrobersiya at pamba-bash ang pagpasok ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa revamped Eat… Bulaga!.


May mga komentong dahil sa nega image ng dating Manila mayor, imbes makatulong na mapataas ang rating ng show ay lalo pa itong babagsak.


"Hindi naman marunong mag-host 'yang si Isko na mukhang pera. Ewww!"


May isa pa ngang nagsabi na, "Dying inside na rin ratings n'yan 'pag pumasok si Isko."


Pero marami rin naman ang nagtatanggol kay Yorme, lalo na 'yung mga natuwa sa kanyang portion na public service ang peg.


Ilan sa mga nabasa naming comments…


"Good choice! Sana gawing frontliner ng EB! si Yorme."


"Gusto ko 'tong segment ni Yorme, daming nabigyan, haha!"


"Sorry pero mas bet ko ang Yorme kesa sa ex-Senate President."


'Yun nga lang, dahil sa mas tanyag siyang pulitiko kesa artista, at dahil isa rin ang pulitika sa naging isyu ng hiwalayang TVJ at TAPE ng mga Jalosjos, hindi talaga mawawala o maiiwasan na “gamitin” ang isyung ito, more than the essence of the said segment.


"Oh, eh, di tama nga 'yung narinig ko, gagamitin ang EB! sa pulitika."


"Increasing visibility for early positioning ba?"


"Naku, mukhang may nagpaparamdam na para sa eleksiyon."


Anyway, kasama ni Yorme bilang bagong hosts ng show ang kontrobersiyal ding si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.


May tsismis pang papasok din ang dalawa pang ka-liga (kaedad) ni Yorme as hosts din ng show.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page