Raquel at Queen Louise, lalarga sa Carmona
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 10, 2022
Magsasanib-puwersa sina class A rider Fernando Raquel at sasakyan Queen Louise upang sikwatin ang panalo sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
May distansyang 1,400 meter race, makakatagisan ng bilis ni Queen Louise sina Best Offer, Fast Sailing, Platinum Bell, Autumn Shower at Sprestrike.
Komento ng ibang karerista sa social media na posibleng magbigay ng magandang laban kay Queen Louise sina Autumn Shower at Platinum Bell na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez.
"Magaling na kabayo si Queen Louise pero inaasahang mapapalaban siya kina Autumn Shower at Platinum Bell," saad ni JhunMar Villahermosa, veteran karerista.
Nakalaan ang added prize na P10,000 para mananalong 3-year-old horse, suportado ito ng Philippine Rcing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Subalit bago ang bakbakan sa nasabing karera ay masisilayan muna ng mga karerista ang arangkadahan ng siyam na kabayong tatakbo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa unang karera.
Tiyak na ang magka-kuwadrang Christiano at Classic Gee ang magdodomina sa takilya sa karerang may distansyang 1,400 meter race.
Ikakalat ang karagdagang premyo na P15,000 sa 1st hanggang 4th placers habang may dagdag na premyong P5,000 ang mananalong kabayo.
Bukod kina Christiano at Classic Gee, ang ibang kasali ay sina Kingwash Tipid Ah, Coup D' Etat, Excavator, Air Class, Happy Julliane, Humidor at ce Up.
Samantala, siyam na races ang pakakawalan ng Manila Jockkey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Christiano/Classic Gee (4/4A), Air Class (5), Happy Julliane (6)
Race 2 - Queen Louise (2), Platinum Bell (4)
Race 3 - Blind Item (1), Wishful Thinking (3), Hot Legs (9)
Race 4 - Rockaway (10), Speak Easy/Blazing Bullet (4/4A), Meteora (6)
Race 5 - Rogelio (3), Secret Romance/Electrify (2/2A),
Race 6 - This Time (6), Step Bell (1), Riding The Tiger (5)
Race 7 - Luke Skywalker/Aroma (4/4A), Twinkle Toes (3), Innocare (6)
Race 8 - Declare For Flare (5), Patong Patong (1)
Race 9 - Commodora (11), Hi Jack (3), Anika's Will (5)





Comments