top of page

Ramos naka-3 silver medals sa Asian W'Lifting C'Ships

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | May 6, 2023



Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Filipina weightlifter Rose Jean Ramos matapos bumuhat ng tatlong silver medals sa women’s 45kgs category sa isinasagawang 2023 Asian Weightlifting Championships kahapon sa Jinju Arena Weightlifting Hall, South Korea.


Nagtapos sa 2nd place sa lahat ng kategorya ang Zamboangena lifter nang buhatin ang 73kgs sa snatch, 88kgs sa clean and jerk at kabuuang 161kgs upang sumegunda kay 2012 London Olympics 4th placer Chayuttra Pramongkhol ng Thailand sa mga nabuhat na 77kgs (snatch), 100kgs (clean and jerk) at 177kgs (total).


Minsang nadiskuwalipika si Pramongkhol noong 2018 Ashgabat ng International Weightlifting Federation matapos magpositibo sa ipinagbabawal na substansiya, habang naibulsa ni Siti Nafisatul Hariroh ng Indonesia ang 3 bronze medals nang makuha ang 71kgs (snatch), 88kgs (clean and jerk) at 159kgs (total).


Nahirapang malampasan ng 17-anyos na Junior High School mula Mampang National High at two-time Youth World Championships ang mabibigat na binuhat ng 2022 Bogota World silver medalists pagtuntong ng clean and jerk, sapat na upang mahigitan ang tansong medalya na kinubra sa 2022 edisyon sa Manama, Bahrain.


Nasundan ni Ramos ang gintong medalya sa Asian Youth Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan, habang silver din siya sa Junior event ng parehong timbang.


Sumasabak din ang kapatid nito na si Rosegie sa women’s 49kgs division, habang pinananabikan ang pagsabak nina 2020+1 Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Olympian Elreen Ando sa women’s 59kgs category sa Linggo, habang bubuhat din sina John Ceniza ngayong Sabado sa men’s 61kgs at nina SEA Games gold medalists Vanessa Sarno at Kristel Macrohon sa women’s 71kgs class sa Martes. .

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page