Ramirez at Custodio ginto sa Jiu-Jitsu World C'ships
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 8, 2026

Photo: Ramirez at Custodio Jiu Jitsu
Muling pinatunayan nina Jiujitsu national standout Annie Ramirez at Kimberly Anne Custodio ang kanilang bangis sa loob ng mats, matapos idagdag sa hanay ng koleksyon ng kanilang tagumpay ang panibagong gintong medalya sa 2026 JJIF World Championships na ginanap sa Mubadala Arena sa Abu Dhabi, UAE.
Kinaldag ni Ramirez ang pagdepensa sa korona sa paboritong adult female under-57 kg division matapos pataubin si Diana Lomei ng Ukraine sa 9-2 finals, upang sundan ang tagumpay sa 10th JJIF Jiu-Jitsu Asian C'ship noong Hulyo sa Almaty Arena sa Kazakhstan.
Matapos makakuha ng Bye sa Round 1, natakasan ng 3x World champion si Al Ameri Shamsa ng UAE sa bisa ng advantage point sa Round 2, habang sunod nitong pinasuko si Marina Cantarelli ng Portugal sa semis.
Ito ang ika-3 sunod na tagumpay ngayong taon ni Ramirez nang makuha ang bagong kampeonato sa 2026 Asian Beach Games sa China, habang dedepensahan ang korona sa 20th Asian Games, gayundin ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Dis. 13-21 sa Saudi Arabia.
Nakamit ni Custodio ang ika-4 na kampeonato sa adult female under-45 kg category matapos talunin sina Mariam Alali ng UAE sa advantage point habang pinasuko si Eliecha Zoe Malilay. “4x World Champion. This one wasn’t won alone,” pahayag ni Custodio sa social media post. “Maraming salamat to everyone who believed in me. Again, WE DID IT!!!!!!!! 4x World Champion. Next mission: Asian Games.”





Both of them came through when it mattered. Congrats! TAG 2