top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Raket ng mga gambling lords sa CALABARZON, hataw pa rin!

BULGAR
Jul 21, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 21, 2022


GAMBLING LORD NG CAMARINES NORTE, IPINAHULI NI COL. GUADAMOR; LAGUNA DIRECTOR COL. ISON AT BATANGAS DIRECTOR COL, CANSILAO, GALAW-GALAW—Nang malaman ni Camarines Provincial Police Office Director, Col. Julius Guadamor na patuloy ang pangraraket ni alyas Raul sa mga residente ng Basud, CamNorte sa pasugal niyang color games at drop balls ay agad niyang ipinahuli ang gambling operator noong July 16, 2022.


Mabuti pa si Col. Guadamor may lakas ng loob magpahuli ng gambling lord, eh, sina Laguna Provincial Police Director, Col. Cecilio Ison at Batangas Provincial Police Director, Col. Glicerio Cansilao, kailan naman kaya ipahuhuli sina alyas Baby Panganiban at Aling Tessie, na may mga raket din na color games at drop balls sa kanilang mga nasasakupan?


◘◘◘


CAMNORTE PD, NAPURI NA; LAGUNA PD AT BATANGAS PD, HINDI PA—Pinapurihan ni PNP-Region 5 Director, Brig. Gen. Mario Reyes si Col. Guadamor sa pagpapaaresto nito sa gambling lord ng Camarines Norte.


Pero sina Col. Ison ng Laguna at Col. Cansilao ng Batangas, malabo pa silang papurihan ni PNP-Region 4-A Director Brig. Gen. Antonio Yarra kung kampanya sa illegal gambling ang pag-uusapan dahil hanggang ngayon ay “nganga” lang sila sa mga raket na color games at drop balls nina “Baby Panganiban” at “Aling Tessie” sa kanilang mga jurisdiction.


◘◘◘


MARAMI NA ANG NAHINTONG ILLEGAL GAMBLING, PERO SA LAGUNA, BATANGAS, CAVITE AT RIZAL, HINDI PA—Sa totoo lang, mula nang magpalabas ng direktiba si Gen. De Leon laban sa lahat ng uri ng illegal gambling, maraming gambling lords na ang tumigil ng operasyon ng kanilang pasugalan.


May matitigas lang talaga ang ulo na gambling lords ang ayaw tumigil, tulad ng mga patuloy pa rin ang nangraraket sa Laguna, Batangas, Cavite at Rizal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page