top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Raid ng NBI at PAOCC sa pabrika ng bakal, pinalagan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 21, 2026



Pgawaan ng bakal - PAOCC

Photo: PAOCC



Kinondena ng Philippine Sanjia Steel Corporation ang isinagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at National Bureau of Investigation sa kanilang pagawaan sa Tagoloan, Misamis Oriental, at tinawag itong “manufactured crisis”.


Ayon sa kumpanya, naging agresibo umano ang operasyon na nagdulot ng pagkaantala sa kanilang legal na operasyon at pagkawala ng trabaho ng mahigit 300 empleyado.

Iginiit din na ilegal umano ang paggamit ng search warrants at pagdetine sa kanilang mga empleyado. “This was not about public safety. This was harassment packaged as law enforcement,” ani Atty. Julia Chu.


Ayon pa sa kanila, lehitimo ang kanilang operasyon, may valid certifications ang kanilang mga produkto, at walang nakuhang gaming infrastructure sa isinagawang search.


Inakusahan din ang mga otoridad ng paglabag sa due process matapos umanong harangin ang kanilang legal team na makapasok sa planta sa loob ng halos 24 oras. 


Isinagawa ang raid sa 22.7-ektaryang manufacturing facility sa loob ng PHIVIDEC Industrial Estate. Pinangunahan ito ng PAOCC sa ilalim ni Executive Director Undersecretary Benjamin Acorda Jr. Ikinatwiran ng PAOCC na sangkot ang planta sa hazardous industrial processing, paggawa ng substandard steel products, at pagkakaroon ng koneksyon sa ilegal na POGO.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page