top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Raid ng CIDG sa nagbebenta ng ilegal na Wawang Mosquito Coil, legit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 23, 2022



Nilinaw ng RFU NCR DILG na lehitimo at naaayon sa proseso ng batas ang ginawa nilang pagsalakay at pagkumpiska ng mga produktong Wawang Mosquito Coil sa isang gusali sa Binondo, Maynila noong Disyembre.


Sa isang mensaheng ipinadala ni PCol. Randy Glenn Silvio, regional chief ng RFU NCR DILG, na hindi na kailangan ang search warrant dahil buy-bust operation ang kanilang ginawa.


Ang raiding team ay may koordinasyon sa FDA at may ginamit silang “dusted money” sa isang operasyon, kung saan naaktuhan nilang nagbebenta ng ilegal na produkto ang mga suspek kung saan hindi kailangan ang search warrant.


Kinilala rin ng City Prosecutor’s Office ng Maynila ang raid bilang “meritorious”, kung saan iniangat ang kaso sa Regional Trial Court of Manila.


Kinilala rin ng FDA ang naturang operasyon bilang tagumpay dahil nasakote nila ang ilegal na pagbebenta ng Wawang Mosquito Coil.


Hindi sumailalim sa FDA verification at testing ang naturang produkto, kaya’t nahaharap sa panganib ang mga konsyumer.


Nilinaw din ng CIDG na lahat ng nakumpiskang epektos na binubuo ng higit sa limang libong mother boxes ay “accounted and secured for presentation” sa korte.


Ang mensahe ni PCol. Silvio ay reaksiyon sa artikulo na inilabas natin sa kolum na ito noong Disyembre 11, 2021 kaugnay sa naturang operasyon.


Sakaling nagkaroon man ng negatibong impresyon ang naturang teksto o konteksto ay ating inihihingi ng paumanhin sa kinauukulan.


Hindi natin personal na kakilala ang sinumang naging bahagi ng operasyon — awtoridad man, negosyante o pribadong indibidwal.


Maraming salamat sa paglilinaw at pang-unawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page