top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Raga Muffin, bumanat sa 3-YO Maiden Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |September 5, 2022


Nasilayan ang tikas ni Raga Muffin nang manalo ito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, kahapon.


Ginabayan ni jockey EA Abrea, inirehistro ni Raga Muffin ang tiyempong 1:12.2 sa 1,200 meter race upang mangibabaw sa karera at masilo ang P10,000 premyo.


Dumating na segundo si Glorious Son habang tersero at pang-apat na tumawid sa meta sina Sentinel Node at Headstrong ayon sa pagkakasunod.


Humanga ang mga karerista sa ipinakita ni Raga Muffin, ayon sa kanila malaki ang potensiyal nitong maging kampeon.


Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagpakitang gilas si second choice favorite Bordelle sa naganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.


Nakipagtagisan ng bilis si Bordele kay Determindo sa largahan at pagsapit ng far turn ay unti-unti nitong kinuha ang unahan.


Nirendahan ni John Alvin Guce, nakuha ni Bordele ang unahan bago dumating ng home turn kaya naman tinawid nito ang unahan ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang si Caraga Wonder. Tersero si Tipsy Tapsi habang pang-apat si determinado, inilista ni Bordelle ang oras na 1:12.2 sa 1,200 meter race.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page