Radio Gaga, wagi sa Road To Triple Crown, Carttieruo sa 3yo Maiden
- BULGAR

- Sep 15, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | September 15, 2020
Maganda ang naging laban sa Road To Triple Crown nang talunin ang lubhang pinapaboran ang Lucky Saving ng dehadong si Radio Gaga nitong linggo sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI), sa San Lazaro Leisure Park, Carmona,Cavite.
Sa pag-uumpisa ng laban kinuha ang unahan ni Radio Gaga habang pangalawa ang Prettiest Star at nakasunod ang Redhead Dancer habang nakasunod ang pinapaborang Lucky Saving.
Agad inagaw ang pangunguna ng Redhead Dancer habang pangalawa ang Prettiest Star at pumangatlo ang Lucky Saving pagsapit sa huling 800 meter at kinuha ang unahan Lucky Saving habang kasunod ang Prettiest Star habang kinuha ng Radio Gaga ang pangatlo puwesto.
Bumandera ang tatlong kabayo sa layo ni Lucky Saving sa huling 500 meter habang papalapit ang Radio Gaga.
Sa huling 50 meters nauuna pa rin ang Lucky Saving habang malakas ang pagremate ng Radio Gaga. Bago sumapit sa finish line lumagpas ang Radio Gaga sa Lucky Saving sa may leeg ng kabayo.
Naorasan naman sa bilis na 1:37.4 ang Radio Gaga sa 1,500 meter na distansiya. Tinapos naman ng bandera ni Cartierruo ang 3 year old Maiden Stakes Race na limang kabayo ang layo sa pumangalawang Laguardia habang pangatlo ang Bishop Blue at pang-apat ang Drummer Girl.
Hindi na pinaporma ang mga kalaban ng Carttieruo nang kunin ang unahan sa simula ng karera hanggang matapos na may layong tatlong kabayo. Lumayo pa ang Carttieruo nang bigyan sa huling 200 meters pagsapit sa finish line.





Comments