Quiboloy, blinock ng FB dahil napagkamalang troll?!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 9, 2022
GOV. JONVIC, MAPAPAHAMAK PA SA KADALDALAN NI CONG. BOYING--Sa tindi ng galit ng mga Kabitenyong supporters ni Vice-Pres. Leni Robredo kay 7th dist. Rep. Crispin “Boying” Remulla na nag-akusa na sila’y nabayaran ng tig-P500 kaya dumalo sa grand rally ng bise-presidente, binuhay ng mga taga-Cavite ang isyung disqualification case laban sa kapatid ni Cong. Boying, na si Gov. Jonvic Remulla na may kaugnayan sa vote-buying.
‘Yan na nga ba ang sinasabi natin, lumaki na ang isyu dahil sa kadaldalan at paninira ni Cong. Boying, tila mapapahamak pa ang kandidatura ng kanyang kapatid, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
WARNING NG COMELEC SA MGA HINDI DADALO NG DEBATE, DEDMA KAY BBM?–Nagbabala si Comelec spokesman James Jimenez sa mga kandidato na hindi lalahok sa pa-debate ng Comelec, na hindi na nila pagagamitin ang mga ito ng Comelec online e-rally page para sa libreng makapangampanya.
Kung si BBM ang pinariringgan ni Jimenez ay walang patol kay Marcos ang “warning” niya kasi walang binatbat ang Comelec online page sa mga pro-Marcos na bloggers, TikTokers at YouTubers na nangangampanya sa kandidatura ni BBM, period!
◘◘◘
QUIBOLOY, NAPAGKAMALANG TROLL KAYA BLINOCK NG FB–Blinock ng Facebook ang page ni Pastor Apollo Quiboloy.
Baka naman napagkamalan ng FB management na troll si Quiboloy kaya na-block ang FB account nito kasi ang isa sa mga nakalagay sa FB page ng pastor ay “Son of God” o “Anak ng Diyos”, boom!





Comments