ni Angela Fernando @Winner | September 9, 2024
Ipinresenta ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy bilang detainee sa isang press conference sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes.
Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nu'ng Linggo na sumuko si Quiboloy matapos bigyan ng ultimatum na mag-surrender sa loob ng 24 oras. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, papasukin ng mga otoridad ang isang gusali sa compound ng KOJC sa Davao City kung hindi sumuko si Quiboloy.
Nagsimula ang negosasyon bandang 1:30 p.m. nu'ng Linggo. Magugunitang sumuko si Quiboloy sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) bandang 5:30 p.m. Kasama na rin ngayon sa kustodiya ng pamahalaan sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Crisente Canada, at Sylvia Cemañes.
Dinala si Quiboloy sa Camp Crame sa Quezon City bandang 9:10 p.m. Ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng KOJC, nagdesisyon si Quiboloy na sumuko sa mga pulis at militar upang matigil ang sinasabing karahasan sa compound ng KOJC.
(This is a developing story)
Kommentare