top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb

Modern jeep vs. armored van, 1 dedo, 22 pa sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 30, 2026



Makikita ang ilang pasahero na nasa ibabaw ng tumagilid na modern jeepney matapos lumabas mula sa bintana makaraang mabangga ang kanilang sinasakyan ng armored van sa bahagi ng Quezon Avenue, Quezon City.

Photo: Makikita ang ilang pasahero na nasa ibabaw ng tumagilid na modern jeepney matapos lumabas mula sa bintana makaraang mabangga ang kanilang sinasakyan ng armored van sa bahagi ng Quezon Avenue, Quezon City. (Jeff Tumbado)



Nasawi ang isang pasahero habang 22 ang sugatan sa pagtagilid ng modern jeepney matapos masalpok ng armored van sa bahagi ng Quezon Avenue corner Miriam Defensor Santiago Avenue sa Quezon City, madaling-araw ng Biyernes.


Ayon sa Quezon City Traffic Management Department, nangyari ang insidente sa westbound lane ng Quezon Avenue alas-5:11 ng madaling-araw.


Dinala sa tatlong ospital ang mga sugatan, kabilang ang Quezon City General Hospital, East Avenue Medical Center, at National Kidney and Transplant Institute.


Ayon kay Police Lt. Col. Brian Jaime, Quezon City Police District-Traffic Enforcement Unit head, kukunin nila ang CCTV footage upang matukoy ang tunay na sanhi ng insidente, dahil kapwa isinisisi ng mga driver ng jeepney at armored van ang aksidente sa isa’t isa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page