Jinggoy, nagpiyansa ng P90K sa kasong graft
- BULGAR

- May 30
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 30, 2026

Photo: File / Jinggoy Estrada - FB
Personal na nagtungo si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan upang pormal na maglagak ng P90,000 piyansa, ilang oras matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ang paglalagak ng piyansa ay para sa kinakaharap nitong kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular sa flood control projects.
“Iginagalang ko ang rule of law at ang ating mga institusyong panghukuman, kaya ako ay nagpiyansa at personal na nagpapasailalim sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan,” saad ni Estrada sa kanyang pahayag.
“Ang pagpiyansa ay isang legal na remedyo na nakasaad sa ating justice system, at gagamitin ko ang lahat ng naaayon sa batas upang ipagtanggol ang aking sarili at linisin ang aking pangalan,” dagdag pa niya.
Muli ring itinanggi ni Estrada ang mga akusasyon laban sa kanya.
Samantala, wala pang inilalabas na hiwalay na arrest warrant ang Sandiganbayan 5th Division na humahawak sa kasong plunder ni Estrada.





Comments