Search
  • BULGAR

Quiapo Church naka-lockdown hanggang Hulyo 4

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Nakatakdang i-lockdown ang Quiapo Church matapos na isang pari ang nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19.


Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, mananatili itong sarado hanggang Hulyo 4.


Nasa loob lamang ng simbahan ang naturang pari mula nang ipatupad ang community quarantine noon pang nagdaang buwan. Matapos payagan ang pag-travel, bumalik ang sinasabing priest sa Mindanao kung saan doon siya nasuring positibo sa covid-19.


Noong Hunyo 13, nadiskubreng tinamaan ng coronavirus ang pari. Mayroon ding impormasyong nagpunta ang infected na priest sa Cagayan De Oro.


Gayundin, hindi pinapayagan ang mga staff ng simbahan at iba pang pari na lumabas ng Quiapo Church. Hindi rin pinahihintulutang pumasok ang mga deboto sa simbahan at umattend ng misa. Maaari lamang silang makinig ng mga misa sa mga screen na nakalagay sa labas ng simbahan.


Samantala, ang mga staff at mga pari ng simbahan ay dumaan sa rapid testing kung saan nagnegatibo lahat sa test sa covid-19.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.