top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Quiambao, nangalabaw sa DLSU, Builders-UST, nanambak sa AMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 28, 2022




Binuhat ni Kevin Quiambao ang EcoOil-De La Salle sa makapigil-hiningang 72-69 panalo laban sa Adalem Construction-St. Clare College sa pagpapatuloy ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Araneta Coliseum. Sa unang laro, tinambakan ng Builders Warehouse-UST ang AMA Online Education, 150-79, para sa kanilang unang panalo.


Buong tapang na ipinasok ni Quiambao ang bola na may 9 na segundong nalalabi upang ibalik ang lamang sa Green Archers, 71-69. Nanaig ang depensa ng EcoOil at itinapon ng Saints ang bola.


Napilitan nilang bigyan ng foul si Quiambao at ipinasok niya ang dalawang free throw na may 5 segundo sa orasan. May pagkakataon ang St. Clare na ipilit ang overtime subalit hindi pumasok ang tira ni Johnsherick Estrada sabay tunog ng busina.


Sa pangalawang laro sa torneo, nagtapos si Quiambao na may 18 puntos, 10 sa 4th quarter na may kasamang 8 rebound at 6 na assist. Sinuportahan siya nina Joaquin Manuel na may 11 puntos at Cyrus Austria na gumawa ng 10 puntos.


Humataw agad ang Builders Warehouse sa 13-0 na lamang at hindi na nakaporma ang Kings. Umabot ng 77 ang agwat sa fourth quarter, 148-71, at naka-isa na ang Tigers matapos matalo sa kanilang unang apat na laro.


Pitong Tigers ang nagtala ng 10 o higit pang puntos simula kay Nic Cabanero na may 19 kahit hindi na siya pumuntos sa 4th quarter. Triple double si Sherwin Concepcion na 14 puntos, 14 rebound at 10 assist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page