Search
  • BULGAR

Quezon, nakapagtala ng 5 bagong kaso ng COVID-19

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Nakapagtala muli ng bagong 5 kaso ng COVID-19 sa bayan ng Quezon. Ito ay may total ng 160.


Mula sa 8:00 am bulletin ng Quezon Public Information Office (QPIO), nakapagtala ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Lucena at tig isa sa bayan ng Atimonan at Macalelon.


Gumaling na ang 66 pasyente mula sa bayan ng Lucena at ang bagong kaso ang natatanging active case sa lugar.


Samantala, mayroon namang 2 recovered case sa Atimonan habang unang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Macalelon sa Bondoc Peninsula district.


16 sa 41 munisipalidad ng Quezon ay maituturing na COVID-19 free.


Sa ngayon, nakapagtala na ng 160 COVID-19 case sa Quezon, 127 rito ay gumaling at 11 ay namatay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.