top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Quezon Barons, hanap ang unang panalo sa NBL Cup 

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 12, 2022




Matapos ang mahigit dalawang taon, masasaksihan muli ng mga tagahanga ang kanilang mga paborito at iikot sa mga tahanan ng koponan ang mga laro ng 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup hatid ng FSD Insurance at Converge simula ngayong Sabado sa Quezon Convention Center ng Lucena City. Hahanapin ng punong abala Quezon Barons ang kanilang unang panalo laban sa mga bisita Las Pinas Lodis sa tampok na laro simula 6:00 ng gabi.

Galing ang Barons sa 94-101 pagkatalo sa Laguna Pistons sa pormal na pagbukas ng liga noong Marso 6 sa Malolos City. Nagpakilala ng mabuti ang baguhang Lodis sa kanilang 114-92 pagtambak sa kapwa-baguhan Narvacan Panthers noong araw din na iyon.

Umaasa ang Quezon na gagana ang laro nina Christopher Lagrama, Arjay Dongog, Arvin Calucin, Domenick Vera at Alex Ramos. Kailangan din nila mapigil ang matinding opensa ng Las Pinas na humugot ng 11 o higit pang puntos galing sa anim na manlalaro at ang napiling Krooberg Best Player na si Buboy Barnedo.

Susubukin din ng Panthers na makabawi sa kanilang pagharap sa Cagayan Valley Water Buffalos sa 4:00 ng hapon. Gaya ng Narvacan, gagawin ng Buffalos ang lahat para maiwasan ang pangalawang sunod na talo matapos manaig sa kanila ang DF Bulacan Republicans, 110-86.

Bubuksan ng Republicans ang aksyon sa 1:30 ng hapon kontra sa bagong tatag na FSD Insurance Makati Defenders. Titingnan kung masusundan ni Krooberg Best Player Marlon Monte ang kanyang 21 puntos laban sa Buffalos.

Ilan sa mga nasa listahan ng Defenders sina Noah Lugo at Laurenz Paul Victoria ng Mapua University, shooter Jan Dominic Formento ng St. Clare College of Caloocan at sentro CJ Dabbay ang University of Makati. Hindi muna sila uuwi at may nakatakda silang isa pang laro bukas laban sa Barons simula 6:00 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page