‘Queenie’ isa nang tropical storm – PAGASA
- BULGAR
- Oct 31, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 31, 2022

Lumakas pa ang Tropical Depression Queenie na naging isa nang tropical storm ngayong Lunes ng umaga, ayon sa PAGASA.
“Queenie intensified into a tropical storm at 8:00 a.m. today. It may further intensify in the next 12 hours,” pahayag ng PAGASA sa kanilang 11AM bulletin.
Gayunman, sinabi ng state weather bureau na si ‘Queenie’ ay hindi direktang makakaapekto sa bansa hanggang sa Martes.
Ayon sa PAGASA, huling namataan si ‘Queenie’ sa layong 815 kilometro east ng northeastern Mindanao, na may maximum sustained winds na 65 km kada oras, at gustiness na aabot hanggang 80 km/h, at may central pressure ng 1000 hPa.
Kumikilos ang Bagyong Queenie patungong west southwestward ng 10 km/h, anang weather bureau.
Sinabi rin ng PAGASA na posibleng isailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal ang buong eastern portion ng Caraga at ilang mga lugar sa Eastern Visayas ng Martes ng gabi.
Habang ang maaaring pinakamataas na TCWS na ipatupad ay Signal No. 1.
“Queenie is forecast to track westward in the next 12 hours before turning generally west northwestward tomorrow through Wednesday morning. By Wednesday afternoon, Queenie will begin to move generally northwestward towards Caraga-Eastern Visayas area,” batay sa PAGASA.
Posibleng makaranas naman ng mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na mga pag-ulan sa buong Caraga, Eastern Visayas, at Bicol Region simula sa Miyerkules.
Maaaring humina si ‘Queenie’ ng Martes ng gabi o Miyerkules, na ayon pa sa PAGASA, “Weakening into a remnant low is likely on Friday as it approaches Caraga or Eastern Visayas.”





Comments