top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Queen Louise, hinangaan

BULGAR
Jun 12, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 12, 2022


Humanga ang mga karerista sa ipinakitang husay ni Queen Louise nang magwagi ito sa 3 year Old & Above Maiden Race na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, Biyernes ng gabi.


Kumaripas sa largahan si Queen Louise upang makipagtagisan ng bilis kay Autumn Shower sa unahan. Nagsimula ang bakbakan nina Queen Louise at Autumn Shower sa unang dalawang daang metro ng karera, malayong tersero si Fast Sailing habang nasa pang-apat si Best Offer.


Pagdating ng Far Turn ay nagbalak ng umagaw ng unahan si Queen Louise pero hindi basta pumayag si Autumn Shower.


Subalit pagsapit ng huling kurbada ay naisakatuparan ng winning horse ang balak, pagkakuha ng unahan ay tumuloy-tuloy na ito sa meta upang manalo ng isang kabayong agwat sa pumangalawang si Autumn Shower.


"Parang sinaktan lang ni Queen Louise si Autumn Shower, kitang-kita na kayang-kaya niya 'yung laban," saad ni Roberto Legaspi, veteran karerista.


Ginabayan ni Class a Rider Fernando Raquel, inirehistro ni Queen Louise ang tiyempong 1:32.4 sa 1,400 meter race sapat upang kubrahin ang added prize na P10,000.


Dumating na segundo si Autumn Shower, tersero si Platinum Bell habang pumang-apat si Best offer.


Suportado ng Philippine Racing Commission, PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang nasabing event na pinakawalan sa pangalawang karera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page