top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Quarantine violators, mas dumami… anyare?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2022
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 5, 2022



Kasunod ng pagbaba ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabag sa umiiral na health protocols, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.


Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Felipe Natividad, tumaas nang 13.36% ang bilang ng mga naaarestong indibidwal sa rehiyon dahil sa mga naging paglabag. Mula sa 3,713 na naitala noong nakaraang linggo, tumaas sa 4,209 ang bilang ng naaresto dahil sa mga paglabag mula Pebrero 28 hanggang Marso 1.


Samantala, nakapagtala rin ng mas mataas na bilang ng lugar na kasalukuyang naka-granular lockdown sa Metro Manila. Base sa datos, mula sa dating 15, tumaas pa sa 19 ang mga nasa ilalim ng granular lockdown sa NCR, na may katumbas na 26.67%.


Bagama’t ang naturang datos ay hanggang noong Marso 1 lamang o noong unang araw nang ipinatupad ang pinakamaluwag na alert level, tiyak na mas marami pang maitatalang paglabag.


Hindi naman sa pagiging nega, pero sa totoo lang tayo, lalo pa’t alam nating maraming nagpapabaya ‘pag nagluluwag ang pamahalaan.


Nakadidismaya lang talaga dahil ilang taon na tayo sa pandemya, pero mayroon pa ring mga pasaway sa kabila ng paulit-ulit na paalala at babala.


Tipong, ‘yung iba ay namumuhay na parang wala nang virus at tila normal na normal na ang sitwasyon. Paalala lang ho, may umiiral pa ring restriksiyon at kahit maluwag pa ito at patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso, kailangan nating sumunod sa lahat ng pagkakataon.


At tulad ng palagi nating sinasabi, ang pagluluwag ay hindi dahilan para makampante at mamuhay nang parang wala nang banta ng COVID-19.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page