Quarantine marshal, now na!
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 09, 2021
Muli nating iminungkahi ang pagtatalaga ng mga quarantine marshal, kasabay ng balitang may mga lumabag ng quarantine protocols.
Napapansin nating mukhang hindi na sapat ang internal policing dahil patuloy pa rin ang quarantine violations na nababalita na mula pa noong simula.
Matatandaang una nating iminungkahi ang quarantine marshals noong nakaraang taon, matapos ang insidente ng pagkamatay ng flight attendant sa isang hotel.
☻☻☻
Mas mainam na mga marshal ang magbantay sa quarantine facilities para mas holistic ang approach.
Sila ay magtitiyak na napangangalagaan ang aspeto ng public health, lalo na ang health at safety protocols.
Hindi lang magbabantay ang mga marshal sa mga potensiyal na paglabag, kundi pro-active na ini-improve ang sistema.
Sila rin ay aatasan na mag-inspeksiyon kung nasusunod ng mga establisimyento ang tamang waste disposal measures.
Ang mga barangay tanod, sa tulong ng health officer ay maaari ring magsilbing marshal. Dapat silang i-brief at i-train ng IATF at Department of Tourism tungkol sa kanilang mga responsibilidad at gawain.
☻☻☻
Ang pandemya ay isyu ng public health, kung kaya’t dapat public health experts ang namumuno sa ating tugon, sa tulong ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Kailangan din natin ng hybrid approach na tututok sa mga aspeto ng public safety at law enforcement, kasabay ng pagsasawata sa korupsiyon na nakapaloob sa isyung ito.
Dapat maglatag at sistematikong mag-i-implementa sa ekanismo upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga regulasyon.
Sa huli, hindi ito malulunasan ng mga band-aid solutions tulad na lamang ng pagtatapal ng mga pulis sa bawat problema ng bansa.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments