top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Quarantine leave para sa mga manggagawang nagka-COVID, napapanahon na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 19, 2022



Sa dami ng patuloy na tinatamaan ng COVID-19, apektado na ang kabuhayan ng ilan na hindi makapagtrabaho dahil kinakailangang mag-quarantine.


Bagama’t kailangan ding kumayod, mas kailangang mag-quarantine para sa kaligtasan ng lahat, kaya naman, dumaraing ang mga empleyadong ‘no work, no pay’ policy.


Kaugnay nito, hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na magbigay ng quarantine o isolation leave sa mga empleyadong close contact, suspected, probable o kompirmadong kaso ng COVID-19.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, layon nitong matiyak ang kaligtasan at makataong working condition.


Base sa inilabas na Labor Advisory No. 1 series of 2022, kailangang makumpleto ang quarantine o isolation period, home-based man o facility-based ang mga empleyadong may contact, suspected at kumpirmadong may COVID-19.


Samantala, nilinaw ng kagawaran, ang hiling na quarantine o isolation leave para sa mga empleyado sa pribadong sektor ay bukod pa sa existing leave benefits sa ilalim ng company policy.


‘Ika nga, sa panahon ngayon, napakahirap magkasakit dahil hindi lamang kalusugan ang apektado, kundi maging ang kabuhayan.


Ang ibang kompanya, pinagagamit na lang ang mandatory leave sa mga empleyadong tinatamaan ng COVID-19.


Kaya ang tanong, kakayanin ba ng lahat ng pribadong kompanya na makapagbigay ng karagdagang leave para sa mga empleyadong magkakasakit? Sana’y may plano rin tayo kung hindi ito kayang gawin ng kompanya.


Sa totoo lang, malaking kawalan ang ilang araw na isolation para sa ordinaryong manggagawa, kaya napapanahon na ang pagbibigay ng isolation leave at hiling nating maibigay ito ng lahat ng kompanya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page