ni VA @Sports | January 8, 2024
Marami ang nagulat sa biglang paglipat nina Bea de Leon at Denden Lazaro-Revilla mula sa kanilang dating koponan na Choco Mucho Flying titans sa sister team nitong Cool Smashers.
Ang nasabing paglipat ay nangyari noong nakaraang Huwebes na nangangahulugang sa Cool Smashers na lalaro sina De Leon at Lazaro-Revills sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) season.
Kaugnay nito, magtatakda ang pamunuan ng liga ng mga panuntunan upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari sa pagitan ng mga magkakapatid na koponan kasabay ng pagsasagawa ng Draft at pagkakaroon ng trade rules upang matiyak ang pagkakaroon ng pagkakapantay ng mga koponan ayon kay league president Ricky Palou. “We have no rule on that as we speak,” ani Palou nang tanungin kung alam nila ang nasabing paglipat ng dalawang dating Ateneo standouts. “It was obviously done by sister teams, because they (Flying Titans) rarely used Bea (de Leon) under their new coach, and they (Cool Smashers) lost Ced (Domingo). “It was obviously a move to help a sister team out,” dagdag pa ni Palou. “Creamline knows that they need a middle (blocker) with Domingo out.”Sa kanyang pagbabalik mula Thailand kung saan naglaro siya bilang import para sa Nakhon Ratchasima ay sa Akari na maglalaro si Domingo. “In the future, when the Draft starts, there will surely be no trades between sister teams,” wika pa ni Palou.
Matapos na mag-disband ang koponan ng F2 Logistics, nagsimula ng magkaroon ng matinding rigodon ng mga players kung kaya pinalakas din ng Creamline ang kanilang line-up.
Umaasa si Palou na wala ng mangyayaring lipatan o palitan ng players sa sandaling mailatag na at ipatupad ang mga kaukulang detalye sa Draft. “For sure, top picks will not be eligible for trades for whatever reason,” ani Palou.
Comments