top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

PVL draft: Ytang ng UP, Silva at Estreller, nag-aatrasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | June 3, 2026



Maglalaro na lamang sa National team ng Alas Pilipinas women sina Niña Ytang at Alyssa Solomon sa halip na magpa-draft sa PVL. (pinoysidepixfb)

Photo: Maglalaro na lamang sa National team ng Alas Pilipinas women sina Niña Ytang at Alyssa Solomon sa halip na magpa-draft sa PVL. (pinoysidepixfb)



Nagpatuloy ang atrasan ng manlalaro sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Annual Rookie Draft ngayong araw sa Novotel Manila sa Araneta City sa Quezon City, matapos bigyang pansin ni 4-time UAAP Best Middle Blocker Nina Ytang ang responsibilidad sa Alas Pilipinas women’s national team na nakatakdang sumabak sa Sabado sa Candon City, Ilocos Sur.


Nauna nang umatras ang posibleng top-draft pick na si Alyssa Solomon kasunod ng samu’t saring alok sa labas ng bansa upang maging Asian import, habang nasundan ito ng 2026 National Collegiate Athletics Association (NCAA) women’s volleyball champions mula Letran Lady Knights na pares nina 3-time Best Libero Lara Mae Silva at playmaker Natalie Estreller.


Itinuon muna ng 24-anyos na net defender mula Bantayan, Cebu ang atensyon sa national team na napabilang sa mga sasabak na maglaro sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup kasama ang mga beteranong sina Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga at Ces Molina.


Nauna ng inihayag ng 6-foot-1 opposite spiker na si Solomon na nananatiling palaisipan ang pagtuloy sa PVL draft dahil sa maraming alok na maglaro sa ibang bansa, kung saan huling beses itong sumalang sa Osaka Marvelous sa Japan S.V, League sa 2025-26 season pero nabigo laban sa Hisamitsu Springs sa finals.


Sa pag-atras ni Solomon, inaasahang susunod na top draft pick si Ytang, kasunod ng pagpapamalas ng kahusayan sa draft combine sa pagposte ng 311 centimeters sa highest approach jump at pangalawa sa vertical reach sa 297cm. Nakatakdang pumili bilang top pick ang Galeries Tower Highrisers na susundan ng Capital1 Solar Spikers at ng Choco Mucho Flying Titans, habang pang-apat ang Zus Coffee Thunderbelles, gayundin ang Akari Chargers, NXLed, Farm Fresh Foxies, PLDT at Creamline ang magkakasunod na pipili ng manlalaro mula ika-lima hanggang ika-siyam na draft picks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page