@Editorial | December 21, 2023
Pinangangambahan ang ulat na magkakaroon ng 400 percent na pagtaas ng pamasahe dahil sa PUV modernization program.
Bilang tugon, handa umanong umalalay ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operator ng pampasaherong jeepney.
Kasunod ito sa naging pahayag ng non-profit organization na IBON Foundation na dahil sa isinusulong ng gobyerno ng privatization at corporatization, pinangangambahan ang pagtaas ng pamasahe ng hanggang 400% sa mga susunod na taon.
Ayon sa DOTr, maaaring ang tinutukoy ng grupo ay ang ilang bahagi ng modernization program na nakasaad na ang mga traditional jeepney ay papalitan na ng modern jeepneys.
Ang nasabing probisyon ay pinalitan na umano ng gobyerno para mabawasan ang pasanin ng mga jeepney operators.
Ito ang sana’y maiwasang mangyari kasabay ng PUVMP, ang lalong mapagastos ang mga tsuper at operator at damay pati ang komyuter.
Sa taas ng mga bilihin at singilin, kung madaragdag ang pamasahe, ano na ang mangyayari?
Kaya sana, tuparin ng gobyerno ang pangakong tulong para hindi mauwi sa dagdag-problema ang PUVMP.
Lahat naman ay naghahangad ng maayos na serbisyo at kapakanan pa rin ng publiko ang inuuna, kaya sana, huwag natin itong makalimutan.
תגובות