top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

PUV Modernization, kaya na ba?

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2023
1 min read

@Editorial | March 2, 2023



Bago ang nakatakdang tigil-pasada ng mga pampasaherong sasakyan, nakiusap na si Pangulong Bongbong Marcos sa mga public transport drivers at operators na huwag nang ituloy ang plano.


Aniya, kawawa ang tinatayang may dalawang milyong pasahero na hindi makakapasok sa trabaho.


Kasabay nito, binigyang-diin naman ng Pangulo na mahalaga rin na maipatupad ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan para masigurong ligtas ang mga pasahero.


Gayunman, parang hindi umano naging maganda ang implementasyon nito.


Kailangan umanong mapag-aralang maigi ang pagpapatupad ng programa. Ito na ba ang tamang panahon para sa electric vehicles? Kaya na ba ng imprastruktura?


Sa lawak ng sistema ng transportasyon sa bansa, bawat pagbabago ay may impact sa lahat. Hindi lang sa mga operator at driver kundi maging sa mga komyuter at sa kabuuan ng gobyerno.


Kaya ang pakiusap sa ngayon, huwag munang ituloy ang phaseout sa mga lumang sasakyan at baka puwedeng suspendihin na rin ang isang linggong tigil-pasada.


Anumang ‘di pagkakasundo ay puwedeng maayos kung idadaan sa kalmadong usapan.


Panatilihin ang bukas na komunikasyon at unawain ang sitwasyon ng bawat isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page