Puslit na asukal, puwede nang ibenta sa Kadiwa stores – DA
ni Lolet Abania | January 18, 2023

Aprubado na sa Department of Agriculture (DA) na maibenta ang mga nasamsam na puslit na mga asukal sa mga Kadiwa stores, kung saan iminungkahi ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, ang 4,000 metric tons ng white refined sugar ng Thailand na nakuha sa Department of AgricultureDepartment of Agricultureay hindi na kailangan ng phytosanitary certificate, subalit isang import permit na lamang mula sa SRA, bago ang mga ito ibenta sa mga Kadiwa Rolling Stores na pinatatakbo ng DA.
“‘Yun po, in-inform na nila ang ating Pangulo na ‘yung nasabat dito sa Batangas, marami pa ‘yun hindi lang sa Batangas, na kung susulatan natin ang ating Department of Finance na under ang Bureau of Customs (BOC) na kung maaari ito, ‘pag natapos ang protocol ay pwede na sa ating Kadiwa,” ani Estoperez sa isang interview ng GMA News ngayong Miyerkules.
“‘Pag natapos ang protocol na ‘yan, pwede na nating ipasok sa ating mga Kadiwa centers baka pwede nga ‘yan doon sa ating pamilihan,” dagdag ng opisyal.
Nitong Linggo, ini-report ng BOC na nakasabat sila ng isang marine vessel na may dalang 4,000 metric tons ng Thailand white refined sugar sa Port of Batangas.
Ang mga nakumpiskang asukal ay nakabalot sa 80,000 bags na may tinatayang P240 million halaga.
Ayon sa SRA, ang kanilang administrator na si David Alba, ang nagrekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siyang kasalukuyang nakaupo bilang DA secretary, na ibenta ang mga naturang asukal sa pamamagitan ng Kadiwa para aniya, “[so the public] can enjoy refined sugar at a lower cost.”





Comments