Puro pictorial daw, wa’ namang career… PIA, IPINAGSIGAWANG KUNTENTO NA SA BUHAY BASTA MAY GUWAPONG
DYOWA
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 21, 2021

Hindi nakatiis si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na sagutin ang netizen na tinawag siyang "Pictorial Queen" dahil "puro pictorial lang daw pero walang ganap" ang beauty queen sa kanyang latest Instagram post.
May post kasi si Pia ng piktyur niya na nakapang-workout sa. Pagkatapos ay nag-invite si Pia sa kanyang mga IG followers na pakinggan ang latest episode ng online show niya with her fellow beauty queens.
Caption ni Pia, "Workout na tayo? By the way, if you haven't listened to our latest episode of #BetweenUsQueens with MUPH candidate @aynbernos about how not to doubt yourself, to be confident and break free from society norms, just play us in the background and samahan namin kayo mag-workout. Super inspiring not to give up on your dreams. Saktung-sakto ito to power up our Mondays!”
Sa comment section ay nilait-lait ng netizen si Pia na wala na raw career kundi ang mag-vlog about beauty pageant.
"Walang ibang career si girl kundi magpa-pictorial. Mag-vlog about pageant pa din! Move on girl sa mga pageant na ‘yan! We are expecting more big events in ur career and in your life!!! MOVIES waley??? TV shows, waleyyy din??! Naku, gurl, u need a good manager! Palitan mo na ang Gaffud na ‘yan. Daming magagaling na management like Viva, Star Magic, Cornerstone etc. One day, gigising na laos ka na lang na wala ka man lang ginawa! Kasi si Gaffud, wala pa naman talagang nagagawang superstar sa showbiz. #Pictorialqueen #puropictorialwalangganap Look at Kylie Versoza, merong launching movie, boommm!!! @piawurtzbach"
Ipinagtanggol si Pia ng isa sa kanyang mga followers at sinabing left and right daw ang endorsements ng Miss U 2015. Ang kinikita raw ni Pia sa isang endorsement abroad is just a fraction ng kinikita ng ibang artista.
At hindi lang daw ang showbiz career ang barometer ng success, Pia is living a life so many artista daw wish to have.
Nag-post muli ang basher ni Pia at sinagot ang sinabi ng follower nito, "‘Yung endorsements na 'yan, isa-isang mawawala ‘yan. At ‘pag nawala ang lahat ng ‘yan, limot na siya! ‘Pag magaling kang actress, tatatak ka sa manonood! ‘Di ka makakalimutan ng tao!"
Sa puntong ito, nag-post na ng comment niya si Pia.
"Ayoko na sana mag-reply sa mga fake accounts just so you guys know I’m very happy for my friends who are doing so well in showbiz! Totoo ‘yan," bungad ni Pia.
Hindi na raw personal goal ni Pia ang kanyang showbiz career now.
"I'm so happy and grateful for the blessings I have in my life now. I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it. I've been in charge of my own career and managing it myself for a while now and I’m very happy in the direction that I’m going, lahat ng ginagawa ko, ‘yung gusto ko talaga at nae-enjoy ko pa personal life ko. Masaya lang kaya ‘wag ka nang magalit. Saka tama na ‘tong comparing and pitting of women against each other. 2021 na at may pandemic na, tapos stuck pa rin tayo sa ganitong mindset? Tama na, ‘di nakakaganda, " lahad ni Pia.
Agree kami kay Queen P. d'yan.





Comments