top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

PUP vs. Bestlink, Marine School kontra DLSU-Dasma sa NCRAA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 24, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | April 24, 2023




Magtatagisan ang mga koponan ng kalalakihan at kababaihan ng host Polytechnic University of the Philippines at bisita Bestlink College of the Philippines sa mga tampok na mga laro sa 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Basketball Tournaments ngayong Lunes simula 12:30 ng tanghali sa PUP Gym sa Santa Mesa, Maynila.


Maghahanap din ng mahalagang panalo ang magkatabla sa 4-3 na Philippine Merchant Marine School at De La Salle University-Dasmarinas sa isa pang aabangang tapatan ng 9:30 ng umaga.


Sa aksiyon noong nakaraang Miyerkules, pumasok ang three-points ni John Anthony Umali na may siyam na segundong nalalabi upang itulak ang host Olivarez College sa 98-97 pagtakas sa bisitang Immaculada Concepcion College sa Pablo R. Olivarez Coliseum. Namuno sa Sea Lions si Edmund dela Cruz na nagsumite ng 30 puntos at 20 rebound at hindi nalalayo si Umali na may 22 puntos mula sa anim na tres bilang reserba.


Sumandal ang DLSU-D sa dalawang magkasunod na buslo ni Louis Montes sa huling 36 segundo upang mabigo ang PUP, 85-83. Lamang lang ng isa ang Patriots, 81-80, bago bumida si Montes at lumayo, 85-80 at magtapos na may 15 puntos at 10 rebound.

Pinatikim ng mapait na aral ng Bestlink ang Saint Dominic College of Asia, 91-83.


Bumanat ng 23 puntos si Lenard Aguilar at sumuporta si Gerico Cu na may 19 puntos at 20 rebound para umakyat ang Kalasag sa 2-6 habang bumagsak ang Pikemen sa 1-6 matapos ipagdiwang ang unang panalo sa NCRAA noong Lunes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page