Pulong ng NDRRMC dahil kay ‘Paeng’, pinangunahan ni P-BBM — Palasyo
ni Lolet Abania | October 29, 2022

Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Sabado ng hapon upang talakayin ang kinakailangang response and relief measures sa gitna ng hagupit ng Severe Tropical Storm Paeng, ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).
Sa isang statement, sinabi ng OPS na patuloy si Pangulong Marcos na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa estado ng Bagyong Paeng upang tiyakin na mayroong sapat at dagdag na resources na susuporta sa mga local government units (LGUs) para sa lahat ng mga apektadong lugar.
Dahil dito, pinangunahan ng Pangulo ang isang full council meeting ng NDRRMC na ginanap ng alas-2:00 ng hapon ng Sabado, Oktubre 29.
“The President has instructed national government agencies to assist the BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) in its relief and rescue operations on the recent flooding in Maguindanao that claimed at least 67 people,” pahayag ng OPS.
“The President wants to assure them of the full support of the government. Everyone is advised to stay alert and take all precautionary measures to stay safe,” dagdag pa ng ahensiya.





Comments