top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Pulong, naghain ng libel at cyberlibel vs. Matibag, GMA Network

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 24, 2026



Pulong naghain ng reklamong cyber libel vs Matibag at GMA - Manong Pulong Duterte

Photo: Manong Pulong Duterte



Sinampahan ni Congressman Paolo "Pulong" Duterte ng libel at cyberlibel ang mga opisyal at reporter ng GMA Network, mga opisyal ng National Bureau of Investigation at dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. sa Davao City dahil sa umano'y multi-milyong pisong deliveries ng salapi.


Personal na nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa Hall of Justice sa Davao City si Pulong kasama ang kanyang mga abogado para isumite ang kanyang complaint affidavit laban sa ini-report ng GMA News "24 Oras" noong September 25.


Ayon sa kongresista, walang basehan ang mga paratang ni Gracioso at nasira ang kanyang reputasyon at kanyang pamilya kaya humihingi ito ng P20 milyong danyos.


Kabilang sa mga kinasuhan ni Duterte ang mga matataas na opisyal ng mabanggit na TV network, kasama ang mga host ng 24 Oras na sina Mel Tiangco, Vicki Morales, Emil Sumangil, Darlene Cay, Marvin Parado at Joel San Luis.


Kasama rin sa kinasuhan ng libel at cyber libel sina NBI Director Melvin Matibag, at Gracioso.


Batay sa inilabas na pahayag ng GMA Network, hindi pa nila natatanggap ang reklamo ni Duterte at sasagot sila sa sandaling matanggap at ma-review ang reklamo ng kongresista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page