top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulitiko, bawal umepal sa pamimigay ng ayuda ng DSWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2024
  • 1 min read

@Editorial | May 21, 2024



Editorial


Umarangkada ang bagong aid program ng gobyerno na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).


Kung saan nasa P3 bilyon ang kabuuang tulong pinansyal ang inilaan sa mahigit isang milyong benepisyaryo.


Sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroong P26.7 bilyong pondo sa 2024 national budget para sa cash aid program laan sa mahihirap, near poor, minimum wage earners, low-income earners at nasa financial distress.


Binuo ang naturang programa para tulungan ang mahihirap na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Kaugnay nito, anumang tulong mula sa gobyerno, dapat ay diretsong makarating sa mga benepisyaryo at hindi kung kani-kaninong kamay pa dadaan.


Hindi dapat magamit ang programa para bumango ang sinumang pulitiko, lalo na ngayong nalalapit na naman ang halalan. Tiyak may mga naghahanap na ng pagkakataon para umepal.


Madalas kasi ang nangyayari, kapag may kasamang pulitiko sa pamamahagi ng ayuda, ang akala ng publiko ay sa bulsa nila nanggaling ang pondo.


Kaya pakiusap sa anumang ahensya ng gobyerno na maglulunsad ng programa o proyekto lalo na sa pamimigay ng ayuda, huwag hayaang may umepal na pulitiko, ‘pag nagpilit, palayasin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page